Abante Tonite Interactive

Resulta ng botohan, referendum sa akin — Duterte

446

Nakasalalay sa magiging resulta ng katatapos na eleksyon kung nananatili ang suporta ng sambayanan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo na maa­ring ituring na referendum ang magiging resulta ng botohan dahil dito makikita kung suportado ng mga tao ang mga inindorso nitong kandidato.

Sakaling manalo aniya ang oposisyon, sinabi ng Presidente indikasyong ayaw na sa kanya ng mga tao at kapag iginiit na bumaba ito sa puwesto ay susunod siya kapag hiniling ito ng taong bayan.

Pero sinabi ng Pangulo na kung ang mga dayuhan ang hihiling nito ay hindi niya pagbibigyan, lalo na ang mga atat na bu­maba ito sa puwesto.

“It could be taken as one refe­rendum. So that if you agree with me, then you can vote for my candidates or the people I am supporting this election.

Now if I am repudiated by the loss of all candidates coming from the Hugpong slate, then that would indicate that the majority of the people ayaw nila ako. Madali lang ‘yan. Easy to solve,” anang Pangulo.

Bagama’t karamihan sa mga kandidato ng administrasyon ay pasok sa pre-election surveys, sinabi ng Pangulo na nananatili itong neutral at maghihintay sa magiging resulta ng eleksiyon.

“Alam mo ma’am ganito ‘yan eh ever since I have been in po­litics, it’s always at the start of the election campaign, I would always place it at 50/50 ang odds. Maski na malakas ako sa survey, maski wala akong kalaban, it is always a 50/50 pro­position,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)