Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Resulta ng DNA: 38 ang tunay na anak ni Don Ramon

0 678

NI:VINIA VIVAR

Now it can be told na 38 lang at hindi 72 or 81 ang mga anak ni yumaong Ramon Revilla, Sr. Ito ay ayon daw sa DNA tests base sa ulat ng TV Patrol na base naman sa panayam ng anak nitong si Antipolo City Mayor Andrea Bautista.

Ang 38 na ito lamang daw ang officially acknowledged at dala-dala ang apelyido ni Mang Ramon. Sa pagkakaalam kasi ng publiko, nasa 72 (may balita ring 81) lahat ang anak ng Hari ng Agimat sa iba-ibang babae.

Ayon kay Mayor Andeng ay aminado naman ang ama sa pagiging babaero pero lagi rin daw sinasabi nito na huwag na siyang gayahin. Ang mahalaga naging mabuting ama raw ito sa kanilang lahat.

Sa panayam ng TV Patrol kay Mayor Andeng ay ikinuwento niyang sinabi sa kanya ng ama na nahihirapan na ito.

“Sa history ng pagkakasakit ng daddy ko, first time lang niya sinabi sa akin na ‘anak, nahihirapan na ako.’ So when he said that to me, sabi ko sa kanya, ‘daddy, kahit ayoko, I will respect your decision po’,” anang Mayora.

Nilinaw rin niya na hindi namatay sa COVID-19 ang kanyang ama.

“I just want to make it clear that my dad did not die of COVID. He died of multiple organ failure, acute respiratory illness secondary to pneumonia,” pahayag pa ni Mayor Andeng.

Pumanaw si Mang Ramon last Friday, June 26 sa edad na 93. Kasalukuyang nakahimlay ang kanyang labi sa kanilang Bacoor mansion, Cavite.

Leave A Reply

Your email address will not be published.