Abante Tonite Interactive

Resulta ng eleksyon tanggap ng Senate minority

0 368

Tanggap ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang resulta ng katatapos na midterm election partikular sa senatorial race.

Sinabi ni Drilon na nagsalita na ang taumbayan at dapat na lamang itong respetuhin.

Kasabay nito, tiniyak ng opposition senator na kahit kakaunti na lamang ang kanilang miyembro ay mananatili naman silang fiscalizer sa Senado.

“The people have spoken. I respect it. For the opposition there maybe less in numbers now, but we will continue to fiscalize in the Senate,” saad ni Drilon.

Nagpaalala naman si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na sa pagtatapos ng canvassing at maiproklama na ang mga nanalo, dapat pa ring isipin na lahat tayo ay Pilipino na nagmamahal sa demokrasya.

Iginiit pa nito na ang mahalaga ay irerespeto ang boses ng nakararami subalit hindi pa rin dapat abandonahin ang responsibilidad na maging vigilante sa mga pag-abuso at maling gawain.

“Remember, we may not be their masters, but definitely, they are our servants,” giit ni Lacson. (Dang Samson-Garcia)