Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Retiradang titser kinatay

0 222

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 81-anyos na lola matapos itong tadtarin ng saksak sa loob mismo ng kanyang kuwarto sa Lipa City.

Kinilala ng Lipa City police ang biktima na si Iluminada Lumbera Leynes, retiradong teacher at nakatira sa Barangay Tangway.

Sa report ng Lipa police, mismong anak ng biktima na si Lizel Leynes ang nakadiskubre sa duguang bangkay ng nanay sa kuwarto bandang alas-5:00 ng Lunes ng hapon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari. Inaalam rin kung may mga nawalang kagamitan sa bahay at kung paano nakapasok ang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.