Abante Tonite Interactive

Retiradong bisor ng DepEd tinangayan ng P125K

By
0 131

Arestado ang tatlong katao matapos tangayin ang tinatayang P125,000 cash na nakalagay sa isang vault sa isang dating supervisor ng Department of Education (DepEd) sa ­Tanza, Cavite.

Nakakulong sa Tanza Custodial Center sina Salvador Jonas, 21-anyos; Jeffrey Salvador, 21; at Raymart Rempillo, 19, dahil sa reklamo ng biktimang si Rodolfo Cruz, 66, binata, residente ng Santa Cecilia 1, Brgy. ­Julugan 8.

Batay sa imbestigasyon, alas-kuwatro Miyerkoles ng mada­ling-araw nang pu­wersahang pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima.

Gamit ang isang iron bar, sinira nila ang padlock sa harapang pinto ng bahay at nang makapasok ay kinuha nila ang isang steel vault kung saan nakalagay ang nasabing halaga. Agad na tumakas ang tatlo ngunit mayroong dalawang nakasaksi sa kanilang panloloob kaya naman agad itong naisumbong sa pulisya.

Isa sa mga suspek ay dating trabahador ng biktima kaya alam nito ang pasikot-sikot ng bahay.