Abante Tonite Interactive

Retiradong BJMP personnel nagbaril sa sarili

By
1,810

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng umano’y pagpapakamatay ng isang 54-anyos na retiradong Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) personnel na nagbaril sa ulo kamakalawa ng tanghali sa Daraga, Albay.

Dead-on-the-spot sanhi ng isang tama ng bala sa sentido ang biktimang nakilalang si Danilo Severino, 54-anyos, residente ng Purok 2, Barangay Kimantong ng nabatid na bayan.

Sa ulat na natanggap ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali sa loob ng bahay ng pamilya-Severino.

Napag-alaman na naiwang mag-isa ang biktima sa kanilang bahay dahil may pinuntahan ang asawa nito at anak.

Pagdating ng bahay ng mag-ina at papasok pa lang ang mga ito sa gate ng kanilang bahay ay isang putok ng baril ang kanilang narinig mula sa loob ng bahay kaya agad silang pumasok at nang tingnan ang biktima sa loob ng kuwarto nito ay doon na tumambad sa mag-ina ang wala nang buhay na padre de pamilya na naliligo sa sariling dugo habang nakaupo sa silya.

Nakuha sa tabi ng biktima ang baril na ginamit nito sa kanyang ginawang pagpapakamatay.