Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Retiradong marino dinakma sa Isabela

0 166

Naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang wanted na retiradong Philippine Marines sa isinagawang operasyon sa Brgy. Malitao, Echague, Isabela.

Kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, Station Commander ng Holy Spirit Police Station (PS 14), ang akusado na si Joseph Sabbaluca, 55-anyos, residente ng Brgy. Malitao, Echague, Isabela, at itinuturing na No. 1 Station-Level Most Wanted Person ng PS 14.

Ayon sa report, si Sabbaluca ay naaresto dakong alas-3:30 ng madaling-araw, kamakalawa, sa kanyang tahanan.

Nabatid na si Sabbaluca ay mayroong nakabinbing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Illegal Use or Possession of Explosives Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na nakasampa sa sala ni Hon. Alfonso C. Ruiz II, Presiding Judge ng Branch 216, ng Quezon City Regional Trial Court.

Wala naman umanong inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Naimpormahan na rin ang court of origin sa pagkakadakip sa naturang wanted person. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.