Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Retiradong pulis nirapido ng 2 naka-face mask

0 296

Dedbol ang isang retiradong pulis na matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng van, Huwebes ng umaga sa Barangay IVC, Marikina City.

Nakilala ang biktima na si Nomer Cardines y Valmonte, 46-anyos, dating naka-assign sa SPD, negosyante na nasawi matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report nasa Riverbanks ng Sitio Olandes, Marikina City ang biktima bandang alas-9:20 ng umaga partikular sa Captain Lorenzo St., Barangay IVC, nang tambangan ng hindi pa tukoy na mga suspek at pinaulanan ng bala ang biktima na pasakay ng kanyang sasak­yang Hyundai na may plakang WJO 441.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumalabas sa imbes­tigasyon na nasa 18 bala mula sa M16 rifle at 9mm caliber na baril ang narekober, ayon sa EPD SOCO.

Nakita naman ng dalawang witness na sina Jomar De Vera, 19-anyos, parking attendant at Gerald De Dios, 21-anyos ang pangyayari at agad na ini-report sa kalapit na pulisya ang pangyayari.

Agad na tumakas ang mga armadong suspek na hindi bababa sa apat katao na pawang naka-facemask sakay ng get-away vehicle na Starex van at isang puting van. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.