Abante Tonite Interactive

Retiradong SoCot bishop pumanaw

250

Inanunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkasawi ng retiradong bishop na si Dinualdo Gutierrez, 79, ng Diocese of Marbel sa South Cotabato.

Sa General Santos Doctors’ Hospital binawian ng buhay si Gutierrez dakong alas-5:03 Linggo nang umaga dahil sa hindi binanggit na karamdaman.

Inalala ng CBCP si Gutierrez bilang dating pinuno ng National Secretariat for Social Action at nagsilbi sa diocese nang higit 35 taon at kilala rin na nanguna sa pagprotesta sa mga large-scale mining sa nasabing lalawigan.

Hiniling ni Bishop Allan Casicas ang panalangin para kay Gutierrez na magdidiwang sana ng ika-80 kaarawan nito sa Pebrero 20.