Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Retiradong sundalo bagsak sa P1.3M shabu

0 37

Arestado ang isang retiradong miyembro ng Philippine Marines (PM) matapos makumpiskahan ng mahigit P1milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Makati City noong Martes ng gabi.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Rufino Advincula Jr. y Riel alyas “Yubert”, 53, ng Brgy.West Rembo, Makati City.

Ayon kay Makati City Police chief, P/Colonel Harold Depositar, hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin siya ng mga miyembro ng Makati Police matapos niyang tanggapin ang P50,000 bilang bayad sa biniling shabu sa kanya ng kanilang poseur buyer sa Barangay West Rembo, Makati City, alas 6:15 ng gabi noong Martes.

Sinabi ni Depositar na may kabuuang 200 gramo ng shabu na katumbas ng P1,360,000 ang nasamsam sa dating sundalo. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.