Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Retired cop na hepe ng tanod, tinumba

0 207

Todas ang isang dating police na kasalukuyang hepe ng mga tanod matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng barangay hall sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Apolonio Naredo, 52, ng Brgy. Mapagong, Calamba City.

Sugatan din ang isa pang tanod na si Rigor Medes, 38, na nahagip din ng mga bala mula sa suspek.

Batay sa report ng Calamba City Police, nakaupo ang dalawa sa loob ng barangay hall at nanonood ng telebisyon nang dumating ang suspek na armado ng baril dakong alas-7:30 Miyerkoles ng gabi.

Bigla na lamang pinagbabaril ang ang mga bikitma at saka mabilis na tumakas na naglakad lamang papalayo. Dead on the spot si Naredo samantalang agad isinugod sa ospital si Medes.

Tinangay pa sa pagtakas ng susapek ang sling bag ng nasawi.

Patuloy na iniimbestigahan ang kaso at inaalam ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.