Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Retiro ni Asi bahala NLEX

0 216

Smart Clark Giga City – Binigyan ng NLEX Road Warriors ng magandang exit si Asi Taulava sa posibleng huling laro na ng veteran big man sa PBA.

Pasabog ng 23 points, 5 rebounds at 4 assists si Kiefer Ravena, may 16 points si Raul Soyud at tig-11 sina Jericho Cruz at Anthony Semerad sa 127-101 rout sa Terrafirma Miyerkoles ng tanghali sa Smart 5G-powered AUF gym.

Tinapos ng NLEX ang Philippine Cup eliminations sa 5-6 card, kinapos sa next round.

Nagsumite si Asi ng 11 points, eight sa second quarter nang baligtarin ng Road Warriors ang one-point deficit tungo sa 55-44 lead sa break. Mula roon ay puro NLEX na.

Pinalamutian ni Asi ang 14-minute performance ng 4 boards at 3 blocks para maging Player of the Game.

SM food to go Banner Ad

Pa-retiro na ang 47-anyos na Fil-Tongan bago ang 45th season pero napigil ng NLEX para sa Philippine Cup at sumama sa Pampanga bubble.

Pero kakalasin na nga ba ni Asi, 47, ang sneakers for good matapos ang 21 seasons?

Walang final answer ang The Rock.

“Everything depends on management,” aniya sa TV interview. “I’m happy just being on the team, whatever they ask me to do. Other than that, just gotta wait, talk to my management first before I make a final decision.”

Nakapagbiro ang coach niyang si Yeng Guiao. Nasa management din daw ang desisyon.

“Before this game, my understanding was he was set for retirement,” aniya. “Pero gumanda nang kaunti ‘yung laro niya, baka manghingi na naman ng two years na kontrata.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.