Abante Tonite Interactive

‘Retoke’ ni Nadz pinagtripan ng mga netizen

2,244

Napakaguwapo at simpatiko ng isa sa celebrity judges sa coronation night ng Bb. Pilipinas na si Daniel Padilla.

In fairness ay ang ga-ling ng Ingles ni DJ, ha? Kaya lang, ‘yung tanong niyang ‘yon ang naging mitsa ng pagkatalo ni Vickie Rushton. Kalerks!
Ang guwapo rin ng judge na si James Reid na laging delicious ‘pag naka-suit, pero iba talaga ang charm ng isang Daniel Padilla.

Ang taray ng JaDine dahil hindi lang si James ang judge kundi pati si Nadine Lustre rin.

Hindi lang namin kinaya ang comments ng netizens kay Nadine, lalo na isang pic niya na kuha doon sa judges’ table sa Big Dome.

Karamihan ng komento ay nag-iba raw ang itsura ni Nadine at ‘pag nag-smile daw ito ay halata na pinaayos ang mga labi nito. As in nag-iba raw ang lips ni Nadz at halata raw na meron itong lip fillers.

May mga humirit din na hindi lang daw lips ang pinaayos ni Nadine. Kung anik-anik na raw ang pinaretoke sa mukha nito.

Kaya raw ayun ang resulta, luma-Lani Misalucha na raw ito o uma-Arci Muñoz. Grabeh ang netizens. Savage!

May nagtanggol din naman kay Nadz, na ang sabi ay wala raw retoke ang lips nito. Sa lipstick lang daw ‘yon kaya nagmukhang makapal.

At saka kung nagpa-enhance man daw si Nadine ay wala na raw pakialam doon ang ibang tao because her body, her choice. Pera naman daw nito ang ginastos, so kebs n’yo ba?!
‘Yun na! PAK!!
***

De kahon ang sagot
sa Bb. Pilipinas

Ang komentaryo ng taumbayan ang isa sa mga kaabang-abang tuwing ginaganap ang taunang Bb. Pilipinas beauty pageant.

Kapansin-pansin na this year ay ang lakas maka-Miss Gay ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas sa Q&A portion dahil sa kanilang sauladong mga sagot na de kahon at wala namang kinalaman sa tanong.

Kalerky!

Gamit na gamit din nila ang gasgas na linyang “I will use my voice” eme-eme, na ang sabi namin ay dapat sa singing competition sila sumali para totoong magamit nila ang mga boses nila. PAK!!

Humakot ng special awards si Negros Occidental candidate Vickie Rushton, na para bang siya lang ang kandidata nu’ng simula ng kompetisyon.
After sumablay ng sagot niya sa Q&A ay hindi na siya nanalo ulit ng kahit na anong special award.

Akala namin ay magpi-place pa rin si Vickie dahil mukhang paborito siya, pero hindi. Nganga ang beauty niya this year. Buti pa last year na nag-1st runner-up siya.

Actually, ang kapal ng makeup ni Vickie at hindi siya fresh. Mukha siyang haggard, sabi ng isang kilalang aktres. Tapos ay hindi siya confident kahit naghakot na siya ng awards.

Sabaw ang sagot niya sa tanong na may kinalaman sa mental health, eh ‘yun pa man din ang advocacy niya at meron siyang kapatid na may down syndrome. Bongga sana kung nasagot niya ‘yon nang tama.

Sa mga nagsasabing laban na lang ulit next year si Vickie, hindi na puwede dahil 27-anyos na siya. Last na niya ito, so baka hindi talaga ito para sa kanya.

Kaya ang sabi sa kanya ng netizens, magpakasal na lang siya sa nobyo niyang si Jason Abalos at sa Mrs. Universe na lang daw siya sumali.

In fairness ay deserving ang kandidata ng Bataan na si Bea Patricia Magtanong na isang lawyer. Tila malaki ang laban ng beauty and brains na si Atty. Patch sa Miss International.

Standout din ang kandidata ng Talisay, Cebu na si Gazini Ganados. Sana ay mangabog si Gaz ‘pag nag-compete ito sa Miss Universe.

Ang outgoing Miss Universe-PH na si Catriona Gray ay reynang-reyna at napakagaling mag-speech. Tumatagos sa puso kaya nakakaiyak.

Sey tuloy ng pageant fans, sana ay taon-taon na kinokoronahan si Queen Cat.

Ang totoo ay tila mahirap nang mapantayan ang ginawa ni Catriona sa Miss U. Masyado niyang itinaas ang bar, na parang lahat ng susunod sa kanya ay magsa-suffer in comparison.