Abante Tonite Interactive

Return trip ng PLDT sa V-League inaayos

By
7

Babalik ang PLDT sa Philippine V-League (dating Shakey’s V-League) ngayong season matapos magpahinga ng isang taon sa liga.

May ilang bagay lang na paplantsahin bago pormal na sumali ang PLDT sa PVL Season 14 Reinforced ­Conference sa March, ayon kay coach Roger Gorayeb.

“Yes, it points towards that direction, which is returning to the V-League,” saad ni ­Gorayeb.

Sina Suzanne Roces, Rysabelle ­Devanadera, Tata Pantone, ­Louanna Latigay, Ella de ­Jesus at Jem Ferrer ang pina­nga­lanan ni ­Gorayeb na ­lalaro sa koponan at ­plano ring isama si volley­ball superstar Alyssa Valdez na nagla­laro ngayon sa 3BB sa Thailand League.

Sa ilalim ni ­Gorayeb at sa pangunguna ni ­Valdez, nakopo ng PLDT ang Season 12 Open at Reinforced Conferences dalawang taon na ang nakalipas bago ­nagdesisyon na hindi sumali sa Season 13.

“Of course we want Alyssa but it will be up to the PLDT management,” dagdag ng coach.

May puntirya ring players si Gorayeb sa National University at San Sebastian, teams na kanyang hinahawakan sa UAAP at NCAA.

Mainit sa mga mata ni Gorayeb para ­isahog sa kanyang koponan sina Jorelle Singh, Aiko ­Urdas, Jasmine ­Nabor at posibleng sina Jaja Santiago ng Lady Bulldogs at Grethcel Soltones at Alyssa Eroa ng Lady Stags.