Abante Tonite Interactive

Revealing outfit ni sexy host, no pansin sa lahat

1,182

Maluluma ang mga kandidata sa isang sports event host sa talagang nagpa-super sexy sa kanyang kasuotan.

Napakanipis na evening gown niya na may napakahabang punit sa laylayan, aninag pang walang suot na panloob para sa kanyang kaselanan. Napakababa naman ng takip sa kanyang bilog na dibdib, aninag na ang gilid ng kanyang utong .

Kakaiba pa sa pana­namit niya, ang lubhang makendeng na paglalakad ni sexy host, dagdag pa ang malan­di at mapang-akit na kanyang mga galaw sa ginagawang pagtitipon, kung saan maraming bisitang mga dayuhan ang nagsidalo.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang din sa okasyong iyon ang mga nagtatangkaran at mestisuhing mga manlalaro na tila siyang pakay ng sexy host upang mapansin.
Gayunman, nabigo si sexy lady sports event host.

Kahit revealing na ang kasuotang pantaas at pambaba, walang pumansin at walang atraksiyon siya sa mga manlalaro.

Kesehodang rumampa pa siya, nagpa-ikot-ikot sa lugar para ipakita ang kanyang kaseksihan at alindog, lalo na ang maputi’t mahabang mga hita na aninag pang walang panty. Pero talagang no pansin siya sa lahat.

Natapos na lamang ang buong gabi at nagsi-uwian ang mga bisita pero “No Pansin” pa rin kay sexy host. Na umuwing luhaan at walang nabingwit na adan.