Abante Tonite Interactive

Reverente, Ilagan tinuka ang Sharks

200

Pakners sa opensiba sina Dhon Reverente at Raymund Ilagan para manguna sa 82-74 panalo ng Pasay Voyagers kontra Cebu Sharks sa unang laro kahapon ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 sa Makati Coliseum.

Humataw ng 16 markers si Reverente, may sahog pang 17 rebounds at 4 dimes, upang ibalik ang ­Voyagers sa winning column ­hawak ang 13-10 kartada sa Group A North Division.

Alalay naman ng 15 markers si Ilagan kasama pa ang 12 ­rebounds at 3 assists para kalsuhan ang ikatlong sunod na panalo ng Cebu Sharks.

Bukod sa dalawa, pasiklab din ng 14 puntos si Elmar ­Moradas habang 102 points ang ambag ni Jaypee Belencion para sa Pasay.

“Wala naman kaming binago dun sa mga play namin and sa ­system namin,” pahayag ni ­Reverente na tinanghal bilang Best Player of the Game.

“Mas dumipensa lang kami ng maganda and ‘yung communication namin sa loob mas dinoble pa namin.”

Kapos ang tig-16 puntos nina William Bill McAloney at Rhaffy Octubre para sa Cebu, na bahagyang nalaglag sa 9-11 kartada sa Group B South Division. (Aivan Episcope)