Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RevGov `di kailangan – Palasyo

0 74

Pinanindigan ng Malacañang ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan ang revolutionary government sa panahon ng kanyang termino.

Taliwas ito sa naging pahayag ni Pangulong Duterte nitong Lunes ng gabi na kailangan ang public debate sa isyu at dapat ay isali sa talakayan ang militar.

Iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang press briefing na hindi kailangan ang RevGov dahil ang pinapatakbo ngayon ay isang constitutional government.

” Nananatili po ang paninindigan ni Presidente na hindi po kailangan ang revolutionary government sa ngayon dahil siya po ay isang constitutional government ,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.