Abante Tonite Interactive

Revilla sa DBM: Dagdag sahod sa gobyerno, pondohan

259

Pinahahanapan ni Sen. Bong Revilla sa Department of Budget and Management (DBM) ng pondo ang pagpapatupad ng dagdag sahod para sa mga kawani ng pamahalaan.

Ito ang naging sentro ng talakayan sa ginanap na public hearing ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional na pinangungunahan ni Revilla.

Bungad ni Revillla na batid niya ang paghihirap at agarang pangangailangan na ipatupad ang dagdag pasahod upang matulungan ang mga manggagawa ng gobyerno na maiangat ang antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya.

Dagdag pa ng beteranong senador, mismong kay Pang. Rodrigo Duterte nagmula ang ‘go signal’ upang ipatupad ang nasabing dagdag sahod.

Samantala, naghain naman ng sari-sariling posisyon ang mga imbitadong panelista na binubuo ng mga kinatawan ng Civil Service Commission (CSC), Department of Budget and Management (DBM), at iba’t ibang grupo ng mga manggagawa.

Natalakay sa public hearing ang hirap na pinagdadaanan ng ilang mga kawani ng pamahalaan na napipilitang isangla ang kanilang ATM card bilang kolateral sa kanilang kinauutangan. Umaabot ito sa puntong malapit nang damputin ng mga kinauukulan ang mga empleyado dahil hindi niya mabayaran sa oras ang perang naluwal.