Abante Tonite Interactive

Revolutionary gov’t itinulak sa Duterte rally

247

Muling nanawagan kahapon ang mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara na ng revo­lutionary government.

Dakong alas-2:00 nang hapon nang sabay-sabay na duma­ting ang libo-libong mga tagasuporta at ginawa ang kanilang panawagan ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Exe­cutive Coordinating Committee, (MRRD-NECC) na ginanap ang pagpupulong ng grupo sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Pa­say City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na kung saan sinabing kinakailangan ni Pa­ngulong Duterte ng ‘extra ordinary’ power upang masolusyunan ang problema ng bansa, sa krimen, terorismo, korapsyon at kahirapan.

Malaki anila ang problema sa droga sa bansa kung kaya’t kailangan ng kumilos ang mga barangay at LGU upang tuluyan nang matuldukan ang problema sa illegal drugs.

Makatutulong din umano ito upang mapadali ang pagsusulong ng pederalismo.

Sa kasalukuyan ka­sing sistema ng bansa, mahihirapan ang Pa­ngulo na matapos ang problema ng bansa lalo na’t ilan na lang ang nalalabi nitong panahon sa p­uwesto.

Sa ngayon ay patu­loy pa umano silang mag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para manawagan sa pagdedeklara ng revolutiona­ry government.

Kasama na rito para himukin ang mga barangay na kumilos na at tumulong sa kampanya laban sa droga at korapsyon at magdeklara ng ‘drug free’ sa kani- kanilang mga barangay. (Armida Rico)