Abante Tonite Interactive

Rey Malonzo click sa ‘Ang Probinsyano’

749

Nagbabalik ang tinaguriang Bruce Lee ng Pilipinas nu’ng 70s na si Rey Malonzo sa acting sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Si Rey na ba ang ipinalit kay Lito Lapid?

Kung napanood ng mga millennials ang istilo sa aksyon ni Lapid pagdating sa stunts, pamamaril at panga­ngabayo, si Rey naman ang magpapasiklab pagdating sa karate at kung fu, bilang alam ng lahat na bihasa siya rito.

Hanggang ngayon ay kaabang-abang ang pagganap ni Rey sa panibagong yugto ng nasabing teleserye.

Dini-develop pa ang karakter ng dating alkalde ng Caloocan. Nagdududa na ang mga viewers kung kalaban ba siya o kakampi ng Vendetta at ni Ricardo Dalisay (Coco Martin).

Malakas pa rin ang dating ng dating action provincial superstar. Dahil dito, marami pa ring tagahanga niya ang tuwang-tuwa sa pag-comeback niya sa pag-arte. (Roldan Castro)