Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rey sumabak sa padyakan

0 265

HALOS sumuko sa pag-pedal si Rain or Shine guard Rey Nambatac nang magbiskleta ito kasama ang mga kaibigan sa Angono, Rizal.

Sa Instagram post ng PBA player ay makikitang hingal kabayo ito sa paglalakad tulak ang kanyang mountain bike paakyat sa isang bahagi ng Eastridge sa Angono.

“Not bad for a first timer. From SM Sta. Mesa to Eastridge Angono Rizal. Worth it yung pagod sa pag padyak. Swipe left para makita niyo kung gaano kaa-dali maag padyak,” ayon sa basketbolista.

Pahinga pa rin ang ika-45 season ng Philippine Basketball Association (PBA) mula nang i-shutdown noong Marso 11 dahil sa pandemic coronavirus.

May go signal na sa IATF ang practice ng mga team at nag-meeting na rin ang PBA Board upang maglatag ng mga panuntunan kaugnay rito. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.