Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reyes dale gold sa NCAA

0 123

Dinaig ni John Vergel Reyes ng Emilio Aguinaldo College ang apat na karibal upang masakote ang online 96th National Collegiate Athletic Association 2021 juniors’ boys taekwondo poomsae gold medal sa iskor na 7.217 Miyerkoles.

Nakuntento na lang sa silver si Aaron Isaac Sevilla ng San Sebastian College na may 6.717 points at sa bronze si Timothy Castillo ng San Beda University sa minarkang 6.634. ikaapat si Lebron James Alemania na may 6.117 habang panlima’t kulelat si Kimichi Ramirez sa 6.067.

Ang unang dalawang nag-gold sa sa liga sa senior men’s at women’s taekwondo poomsae standard event ay sina Alfritz Victoria Arevalo ng SBU at Emie Soriano Fernandez ng Jose Rizal University nitong Lunes at Martes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.