Abante Tonite Interactive

Reyes hambog sa depensa ng Gilas

By
1,840

Inamin ni Gilas coach Chot Reyes na namroblema sila sa pick-and-roll ng Japan sa first window, kaya minarkahan ng Filipinos na kailangang mapigil at mabulabog ang double-screen ng kalaban.

Maganda ang resulta, ang 89-84 win ng Pilipinas sa window 2 ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa MOA Arena noong Linggo.

Sa first window noong November, naitawid ng Gilas ang panalo 77-71 pero pinatay sila ng 3-point shooting ni Naoto Tsuji na nakapito mula long range dahil sa double screen. Nitong huli, hindi pinaporma si Tsuji na nakaisang pukol lang sa labas ng arc.

“We made sure we took that (double-screen) away,” bunyag ni Reyes. “We made sure we took the inside game of Ira Brown away, so their final option was the ball screen.”

Tumapos ang naturalized player ng Japan na si Brown ng 16 points mula sa 6 of 12 shoo­ting.

Mula sa labas ng arc ay 16 na beses lang nakasilip ng pagkakataong bumato ang Japanese, kalahati nito ang naipasok. Ang Filipinos ay 9 of 26 sa parehong spot.

“You can’t take away everything, you gotta pick your poison,” aniya pa.

Pinili ng Gilas na luwagan ang ball screen offense ng Japan para mabulabog ang double-screen at ma-neutralize ang outside threat, kahit minsan ay may mga nakakalusot din sa transition at sa drive. (Vladi Eduarte)