Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reyes itotodo pindot sa PLDT

0 169

Handang ibuhos lahat ni volleyball star Mika Aereen Reyes ang makakaya upang makatulong sa nilipatan niyang PLDT sa 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference simula sa Pebrero 16 sa Paco, Maynila o Tagaytay, Cavite.

Kabilang ang 27-year-old, 6-footer, Bulacan native at veteran middle hitter sa bagong player ng High Speed Hitters kasama sina sina Kath Arado, Jules Samonte, Heather Guino-o, Dell Palomata, Jovy Prado, Wendy Semana, Fiola Ceballos, Mean Mendrez, Jessey De Leon at Lhara Clavano.

“New team, fresh start pero same goal pa rin naman kahit saan ako magpunta, to learn as much as I can and be able to contribute in any way I can,” litanya ni Reyes na galing sa nagbakasyon muna sa liga na Sta. Lucia Lady Realtors. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.