Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reyes gold sa Taekwondo

0 367

Binalikat ni 2019 PH Southeast Asian Games champion Rodolfo Reyes Jr. ang Philippine Taekwondo Association (PTA) – National Poomsae Team na nagwagi ng tig-isang medalyang ginto’t pilak at dalawang tanso sa katatapos lang na 2020 Lents Taekwondo Worldwide Online Poomsae Open-Recognized Poomsae Division.

Tagumpay si Reyes sa under 30 male event nang makaiskor ng 7.350 points para sa tanging gold medal ng ‘Pinas sa pagdaig sa mga jin mula sa Korea at Taiwan na mga nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Matapos maka-gold medal sa Beach Poomsae competition kamakailan, nagkasya naman ang dating world champion na si Ernesto Guzman Jr. sa pilak sa over 30 male event sa minarkang 7.130.

Related Posts

Sumama pagkaraan si Guzman kay Zyka Angelica Santiago sa pagpitas ng isa pang medalya na tanso sa over 17 pairs sa iniskor na 7.080.

Si SEA Games silver medalist Patrick King Perez ang kumumpleto sa atake ng mga Pinoy sa tanso rin sa under 30 male division sa 7.150 pts.

Nitong Mayo lang, sa pamamagitan nina Guzman, Jocel Lyn at June Ninobla nakatatlong gold medal PTA squad sa Online Daedo Poomsae Tournament. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.