Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RFID installation para sa San Juaneños

0 96

Nag-alok ng mabilis na Autosweep Radio-frequency identification (RFID) installation ang San Juan City Hall para sa may 2,000 San Juaneños na magagamit para sa mabilis na pagbiyahe sa SLEX, Skyway, NAIAX, STAR, at TPLEX.

Layunin ni Mayor Francis Zamora na makatulong sa mga biyaherong taga-San Juan na mapabilis ang kanilang pagbibiyahe sa mga highways sa tulong ng San Miguel Corporation na nag-alok ng Autosweep RFID installation na ginawa nitong Martes sa labas ng San Juan City Hall.

“Itong ginagawa nating ito ay konting tulong sa mga San Juaneno para hindi na sila pumunta pa sa ibang lugar, this is a service that we’re giving to our people, lalo na at alam ko po na konting panahon na lang at magbubukas na yung Skyway na magko-connect ng NLEX at SLEX na meron pong entry at exit point dito mismo sa Araneta Avenue sa San Juan. Ako’y umaasa na sa umagang ito ay marami tayong matulungang mga San Juaneno,” ayon sa alkalde.

Naglaan ng 2,000 slots ang SMC para sa mga residente ng San Juan na nais ng RFID stickers na magpapakita lamang ng proof of residency, completed form at P200. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.