Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RFID pwedeng ipakabit sa Maynila – Isko

0 82

Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng drive-thru service para sa installation ng RFID sticker sa Oktubre 31 at Nobyembre 1 mula alas-nuebe ng umaga hanggang alas-sais ng gabi na idaraos sa Bonifacio Shrine.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, layunin nito na makatulong sa national government at matagal na pila para sa 100% cashless tollways payment. Nabatid na ang programa para sa RFID sticker ay para sa Class 1 vehicle lamang kabilang ang kotse at passenger van.

Kinakailangan lamang na magdala ng P200 para sa initial load at magsuot ng face mask at face shields. “No documents needed, pumunta lang kayo dito, Sabado at Linggo. ‘Yan ang extra service sa inyo ng inyong pamahalaang-lungsod sa pakikipagtulungan ng DOTr at saka ng mga kumpanya,” ayon kay Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.