Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RH Law pinarepaso sa lumolobong batang ina

0 51

Naghain ng isang resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara upang talakayin kung ano ang maaaring gawing tugon ng pamahalaan hinggil sa pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Sa House Resolution No. 1571 ng grupo sa pangunguna ng Gabriela party-list, nagpahayag ng pagkabahala ng mga mambabatas sa paglobo ng teenage pregnancy na isa umanong maituturing na `major health issue’ lalo na sa mga walang access sa family planning method, health services at iba pang mahalagang impormasyon ukol sa reproductive health.

Nakasaad sa resolusyon na panahon na upang repasuhin ang implementasyon ng Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, upang makita ang problema at kung paano ito matutugunan.

Una nang sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na ang kawalan ng maayos na programa para sa reproductive health ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Naniniwala ang kongresista na dapat magkaroon ng komprehensibong programa ang gobyerno sa pagpapalaganap ng age and development-appropriate sexuality education sa mga pamayanan.

Kasama na rin umano ang programa para magkaroon ng access ang mga kabataan sa kalidad na serbisyong pangkalusugan dahil sa ngayon bagama’t nagtuturo ng family planning ang mga local government ay para lamang ito sa mga mag-asawa at hindi saklaw ang mga teenager. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.