Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhea bilib kay Ruru

0 453

BINUKSAN ng Beautéderm Corporation ang summer season sa pamamagitan ng isang sizzling hot new addition sa pabolosang roster ng mga A-list celebrity brand ambassador nito. Pormal ang pagsalubong sa Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid na makakasama na siya sa pamilya nina Marian Rivera, Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez, Korina Sanchez, Sanya Lopez, Christopher de Leon, Enchong Dee, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ken Chan, Rita Daniela.

.

“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family,” sabi ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

“Isa si Ruru sa mga premiere leading men ng GMA-7 at isa siyang extremely gifted actor. Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa Beautéderm. Nakakamangha ang kanyang professionalism and kindness. At napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership,” dagdag pa niya.

Sa chat namin kay Ma’am Rei inamin niyang bilib siya kay Ruru na masipag mag-post tungkol sa Beautederm.

“Actually matagal ko na rin like kunin si Ruru, nag-imbestiga muna ako kung totoong mabait na bata, hehehe,” sambit niya.

“Nang nagpunta rito (sa bahay), tapos picture-picture kami… wala pa kaming contract noon.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tapos na-post ang pics niya ng Beautederm, nagulat ako nire-repost niya. ‘Yung iba walang ganyan,” deklara ni Ms. Rei..

Sey naman ni Ruru “Isang privilege at honor na maging bahagi ng Beautéderm family.

“Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin na maging brand ambassador at di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin namin.”

Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection ng brand na kinabibilangan ng: Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Charcoal Charmer Face Mask, at Brawn Anti-perspirant White Spray – na mga produktong bahagi ng daily regimen ng batang aktor.

“Perfect ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm sa aking very active lifestyle.Lagi akong on-the-go at lagi akong busy sa trabaho so I have to make sure that I look and feel my best every time I face other people.

Tunay nga na ang the partnership sa pagitan ng Beautéderm at ni Ruru ay ang perfect combination ngayong summer at kahit na anong season – pareho silang fresh, hot, at utterly delightful.

Leave A Reply

Your email address will not be published.