Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhea ‘inampon’ sina LT, Carlo

0 112

NI: ROLDAN CASTRO

Pamilya ang turing ng CEO at President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang mga ambassador.

Pag may bakanteng oras sila ay nagba-bonding talaga at nagkakaroon ng ‘hakot challenge’ sa mga produkto ng Beautederm,

Mistulang adopted ‘son’ si Carlo Aquino ni Ma’am Rei nu’ng Agosto dahil buong ECQ ay nandoon sila ng pamilya niya sa guest house sa Angeles City.

Two weeks din na maging adopted ‘daughter’ niya si Lorna Tolentino na merong break sa ‘Ang Probinsyano’.

Kasama rin ni LT ang ibang ambassadors gaya nina Jane Oineza at Ria Atayde.

Nakipag-bonding din sa kanila kamakailan sina Glydel Mercado at Arjo Atayde. Umaatikabong tsikahan ang nangyari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Game din daw na sumali si Ms. LT sa hakot challenge pero si Jane daw ang maraming nakuha.

Samantala lalong lumalago ang Beautederm kahit dumadaan tayo sa pandemya.

Nilunsad na ang bago nilang produkto na

Beautederm’s Blanc Plus Mask Care.

Ilan sa mga gumamit nito at ready na sa kanilang close up ay sina Carlo, Ria, Jane, Ruru Madrid, Sanya Lopez, Luke Mejares, Darla Sauler atbp.

Hindi lang kumikinis ang balat kundi bumabata ang awra. Pini-prevent din ng Blanc Plus Mask Care ang skin acne.

Labis ang pasasalamat ni Ma’am Rei sa biyayang natatanggap niya sa kanyang negosyo.

Hindi lang sa Beautederm, kundi pati sa A-List Avenue.

Leave A Reply

Your email address will not be published.