Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhea natupad ang wish kay Piolo

0 93

Opisyal na bagong ambassador ng Beautederm si Piolo Pascual.

Winelcome siya nina Enchong Dee, Kakai Bautista, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Rochelle Barrameda bilang bagong kapamilya sa pamamagitan ng video.

Proud ang Beautéderm Corporation na sa ikatlong quarter ng taon ay pormal nilang sinalubong si Papa P.

Minamarkahan ng taong 2020 ang ika-11th na anibersaryo ng Beautéderm bilang isa sa mga major key players ng beauty and wellness industry dito sa bansa .

Mas naging bonggacious pa sa pagsali ni Piolo bilang bigating sorpresa na inihanda ng kumpanya para sa mga loyal customers, resellers, at distributors nito ngayong taon.

Ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine sa prestigiyosong roster ng taunang “Women of Style and Substance” issue nito ngayong Setyembre, ay maligayang maligaya na kapamilya na si Papa P.

“Nasa bucketlist ko na si Piolo magmula nuong sinimulan ko ang kumpanya nuong 2009,” sabi ni Anicoche-Tan. “With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry.”

Iniendorso ni Piolo, na very active at healthy ang lifestyle, ang Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line ng brand – isang best-seller at paboritong produkto ng libu-libong consumers. FDA notified at certified Superbrands bath soap ang Beau. Nag-dedetoxify at nag-exfoliate ito habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na para sa mga busy na kalalakihan na laging on the go gaya ni Piolo.

“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products. Madami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakakarinig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho,” sabi ni Pascual. “Daily essential para sa akin ang Beau as it truly delivers its promises –relaxed, energized, at rejuvenated ako tuwing nagsa-shower ako after a long day.”

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.