Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhea Tan pararangalan ng EDDYS

0 114

NI: ROLDAN CASTRO

Patuloy sa paghakot ng award ang CEO at President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan.

Last year ay pinarangalan siya ng People Asia Magazine bilang “Women of Style and Substance.”

Kinilala rin siya ng PASADO o pampelikulang samahan ng mga dalubguro bilang pinakapasadong huwaran sa serbisyo publiko.

Nu’ng December 26 ay tumanggap din siya ng award bilang Outstanding Businesswoman of the Year ng Laguna Excellence Award.

Sa March 22 ay pararangalan naman siya sa 4th EDDYS ng Isah Red Award.

“This recognition is given to individuals like him — a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way,” deklara ng SPEED President na si Ian Fariñas.

Isa si Ma’am Rei sa unang tatanggap ng IVR award dahil sa kahanga-hanga at walang katulad na pagbabahagi ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng global health crisis.

Todo naman ang pasasalamat niya sa bagong parangal na matatanggap.

SM food to go Banner Ad

“I thank my dearest friends from SPEED for honoring me with the highest recognition of the annual EDDY’S — the Isah V. Red Award!

Tito Isah Red was so full of life and he embodied fortitude, excellence, and 100% dedication to his work as one of the country’s most respected entertainment editors. He was also fiercely loving and had a very kind heart.

As he created a colorful and indelible difference to the world, I hope and pray that I too could emulate the amazing qualities he championed in making my own mark with the same gusto and flair for life that he exuded when he was still alive.

This award humbles and inspires me to carry on in my life’s journey.

Thank you very much SPEED from the bottom of my heart,” masaya niyang pahayag.

Inihahandog naman ni Ma’am Rei ang pagkilalang ito sa mga kapamilya niya sa Beautederm.

“Ang karangalang ito ay iniaalay ko sa aking mga sellers sa buong mundo. At sa lahat ng nagmamahal at patuloy na tumatangkilik sa Beautéderm

Patuloy kong pinagdarasal ang aming munting kumpanya para sa mas marami pang buhay na mabago,”  sambit pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.