Abante Tonite Interactive

Rhed nagtitinda pa rin sa riles ng tren

919

Nakakabawi na ngayon si Rhed Bustamante pagkatapos kunin ni Coco Martin sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Malaki ang pasasalamat niya sa Primetime King ng Dos.

“May bago na po kaming tinitirhan, may sasakyan, may business din po kami. May sari-sari store. Nagtitinda rin po kami ng perfume. Wish ko lang po na magtuluy-tuloy na po ito,” pahayag niya nang makatsikahan namin sa contract signing niya sa Mannix Carancho Artist and Talent Management nina Amanda Salas at Mannix Carancho ng ng Prestige International

Actually, dumanas si Rhed at ang kanyang pamilya ng maraming pagsubok sa buhay.

May pagkakataong noong wala siyang project, naputulan sila ng kuryente, napalayas sa kanilang tinitirhan at magtinda nag kape at tinapay sa tabi ng riles ng tren.

“Nagtitinda pa rin po kami, kasi ayaw po namin siyang bitawan. Ngayong nasa Probinsyano na ako, maayos naman po ako,” lahad niya.

Sinabi rin niya na gumaling na ang sakit niya sa balat, na na-feature sa ‘Rated K’. “Ngayon, okey na rin po ang balat ko kasi may mga cream naman po akong gamot,” pahayag niya. (Roldan Castro)