Abante Tonite Interactive

Rhian ayaw magpatuka

0 796

NI: ARCHIE LIAO

Aminado ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na kabado siya sa pagbabalik sa taping at shooting. Ito’y pagkatapos na ideklara ng gobyerno na puwede nang mag-resume ang trabaho ng industriya ngayong panahon ng MECQ.

Sey niya, inihahanda na raw niya ang magiging ‘new normal’ pagdating sa work .

“Siguro, galit-galit muna. Kumbaga, mahirap man but we have maintain physical distancing,” aniya.

Tungkol naman sa kissing scene, prangkang sinabi ng actress na hindi pa raw siya handa sa mga ito.

“For a while, I just won’t allow any kissing scenes at all,” pahayag niya.

Expected na rin daw na ipatutupad ang hygiene protocols sa set tulad ng paglalagay ng alcohol at pagpapatupad ng disinfection sa mismong venue ng produksyon.

Awkward mang tingnan, wish din niya na ipatupad ang pagsusuot ng face mask sa location o set.

“Outside of the scenes, I expect na pagkatapos ng take, pagbalik mo ng tent o pagkabihis mo, if you’re gonna talk to anyone, I’ll probably gonna wear a face mask,” ani Rhian.

Tonite – Wendys Inhouse Ad