Abante Tonite Interactive

Rhian ayaw mapag-iwanan ng mga hubadera sa socmed

By
5,858

MAPANGAHAS si Rhian Ramos at tila hindi niya gustong mapag-iwanan sa karera ng mga hubadera sa social media.

Kamakailan lang nag-post si Rhian ng kanyang larawan sa Instagram wall niya na nagpapakita ng walang anumang underwear na suot sa kanyang katawan.

Nakatayo si Rhian sa kanyang posing habang yakap-yakap niya ang color-beige raffle long gown. Sa larawan nakalantad ang isa niyang leg at ang bahagi ng kanyang tights pati na ang kanyang beywang. Pinuri naman ng netizens ang aktres sa sexy photo niyang ito. Hindi nagpapahuhuli si Rhian sa tapang na maghubad sa social media.

Karla nagsenti kina Daniel at JC

BUWIS-BUHAY ang deskripsyon ni Karla Estrada sa post niyang larawan ng dalawa niyang anak na sina JC at Daniel Padilla. Magkasama kasi ngayon ang magkapatid sa Amerika. Nag-senti ang actress-host at sinabi nitong itinaya niya ang kanyang buhay mapalaki lang ang dalawang anak. Natutuwa rin siya sa mga achievements ng mga ito.

Caption nga ni Karla sa Instagram: “Parang kelan lang mga anak buwis buhay pa ako sa sa pagpapalaki sa inyo. Ngayon, malaya ka­yong namamasyal sa ibang lugar. Enjoy mga anak at gawing makabuluhan ang inyong kabataan. Andito lang ako, nakatanaw sa inyo at nakangiti. Sa­lamat po Ama sa Buhay na mapayapa at masaya.”

Suwerte nga si Karla sa kanyang mga anak lalo na kay Daniel dahil nabigyan ng panibagong chance ang kanyang career sa showbiz.

Kung hindi sumikat si DJ marahil matabang pa rin ng pagkakataon kay Karla na magkaroon ng magandang puwesto sa TV at tawaging Queen Mother.

Ibinalita rin ni Karla na papasukin na rin ni JC ang music industry. Maglalabas ito ng mga kanta na ang producer mismo ay si Daniel.

Paolo nilait sa makeup transformation kay Catriona

NAKABALANDRA sa Instagram wall ni Paolo Ballesteros ang makeup impersona­tion niya sa bagong Binibining Pilipinas-Universe 2018 na si Catriona Gray.

Binigyan ni Paolo ito ng bagong pangalan na CARTOLINANG GRAY

Dahil sa tila hindi pulidong makeup ni Paolo nakatikim siya ng mga unfavorable comments mula sa kanyang mga follower:

@juliebrusola, “Ano po yung makintab sa ilong?”

@majdr2284, “Bakit parang mukhang aso? Hahahaha”

@therealjadedeguzman, “kamukha po, DI LANG GANON KALINIS! PERO GA­LING KAMUKHA!”

@charmxox19, “you did not give justice to Catriona’s face”.

@mattyamores, “Parang may mali.”

@martensiticmaynard, “bat parang napahid sa puwet ng kawali si Cartolina Gray?”

@nhoeway, “Hindi naman kuha ah.”

@itsmegray, “Fail hahaha!”

@carcapellan, “Isa pa po, yung malinis na version sana.”

May ilang netizens din na pumuri sa makeup transformation ni Paolo pero mas marami ang nanlait.