Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhian inggit kina Jennylyn, Dennis

0 70

Ni: Vinia Vivar

Matapos umamin sa kanyang pinagdaanang problema sa puso nang mag-break sila ng Israeli boyfriend na si Amit Borsok, according to Rhian Ramos ay doing good and well na siya ngayon.

“I’m doing well naman po,” sey niya sa virtual media conference ng I Can See You Presents Truly. Madly. Deadly ng GMA-7, “saka siguro part na rin do’n ‘yung. . .you know, everyone sometimes just needs time and when they get back to their normal routine, and when they figure out kung ano ‘yung bago nilang routine since ang dami na ngang nagbago, okay na.”

Of course, isa rin sa malaking factor ng kanyang pagmu-move on ay ang pagbabalik niya rin sa trabaho. Nagkaroon siya ng change of environment nang mag-lock-in sila ng taping sa Batangas kasama ang real-life sweethearts na sina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo.

“I enjoyed also being able to work on this. Ang sweet nga nina Dennis and Jen on set, eh. Parang ‘wow, kainggit’, ganu’n,” sey ni Rhian sabay-tawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sobrang positive raw ng ambience at atmosphere sa set kaya naman naging okay ang lahat.

“Feeling ko, inaalagaan naman ako ni Lord, so kay naman ang lahat,” nakangiti niyang wika.

Ginagampanan ni Rhian sa nasabing mini-series ang papel ni Abby na isang vlogger who has a dark past at magkakaroon ng reconnection with her long lost best friend na ginagampanan naman ni Jen.

“So, maraming babalik na feelings and pain from the past,” pagkukwento pa ni Rhian sa kanyang karakter.

Magsisimula na ngayong Oct. 19 (Monday) ang Truly.Madly.Deadly sa GMA Telebabad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.