Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhian iniwan na si Willie

0 995

NI: VINIA VIVAR
Starting today (Monday) ay hindi na mapapanood si Rhian Ramos sa Wowowin at nagpaalam na siya sa programa last week pa. Matatandaang nagsimula siyang maging co-host ni Kuya nang magdiwang ng anniversary ang show at akala ng lahat ay regular na siya rito.

Pero bigla na nga lang siyang nagpaalam last week at nagsuot pa siya ng pearl necklace para iparamdam ang kanyang pagkalungkot dahil ang perlas daw ay sumisimbolo ng tears.

“Tears of sadness kasi last week ko na ngayon. Mami-miss ko kayong lahat,” sabi ni Rhian.

“Oo nga kasi busy ka na,” sabi naman ni Willie.

May bago raw kasing teleserye ang Kapuso actress although hindi niya pa ito idinetalye.

Nanghihinayang man si Willie sa pag-alis ni Rhian ay naiintindihan niya naman ito.

“Ang dami pa namang may gusto sa kanya, ang galing daw mag-host, maganda magdamit, ang bait-bait, very professional pa, ang aga rito,” sey ni Willie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.