Abante Tonite Interactive

Rhian ipinalit ni Jolo kay Jodi

By
2,049

tonite-imo-vinia-vivarIdeya pala ni former Sen. Bong Revilla na buhayin ang Imus Productions na production outfit ng kanilang pamilya at gumawa ng pelikulang pagbibidahan ng kanyang mga anak.

At sinunod naman ito ng kanyang mga anak sa pangunguna ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Ginawa nila ang pelikulang ‘Tres’, isang trilogy action film na pinagbibidahan nilang tatlong magkakapatid na sina Bryan at Luigi

“Ginawa namin ‘to para sa kanya (Bong) at higit sa lahat, para sa mamamayang Pilipino. At pinaghirapan namin ito,” pahayag ni Jolo sa solo presscon niya kahapon para sa kanyang episode na may titulong ‘72 Hours’ sa Tres.

Nakakalungkot nga lang na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ang kanyang ama at hindi nila makasama. Magkagayunman ay positibo pa rin si Jolo lalo pa nga raw ngayon na unti-unti nang lumalabas ang katotohanan.

“Alam naman natin at kitang-kita naman natin na lumalabas na ‘yung katotohanan tungkol sa kaso niya which I don’t wanna talk about anymore,” saad pa ng Cavite Vice Governor.

“As a son, we love him very much. Siguro, wala na kaming mahihiling pa sa kanya dahil binigay niya lahat sa aming lahat. At ‘yung pinakamahalagang naibigay niya sa amin ay ‘yung pangalan niya. Kung baga, royalty.”

Dahil wala nga ang kanyang ama, parang si Jolo at ang panganay na kapatid na si Bryan ang tumatayong padre de familia ngayon sa kanila. Ayon sa aktor/politiko, kailangan nilang maging matatag para sa kanilang Mommy at Daddy.

Sa September 25 ay magdiriwang na naman ng kaarawan ang kanyang ama at iisa lang naman daw ang kanyang birthday wish for his dad.
“Siyempre lahat naman siguro tayo, birthday wish natin para sa kanya, siguro, freedom,” saad ni Jolo.

Sa ‘72 Hours’ ay lea­ding lady ni Jolo si Rhian Ramos na first time niyang nakapareha at may special participation din ang ex-girfriend niyang si Lovi Poe.

Inamin ni Jolo na ang ex-girlfriend na si Jodi Santamaria ang first choice para maging leading lady niya sa movie pero dahil sa busy schedule ng aktres ay hindi raw ito natuloy. That time ay sila pa raw.

Samantala, bukod sa 72 Hours ni Jolo, ang dalawa pang episodes ng Tres ay ang ‘Virgo’ na pagbibidahan ni Bryan habang ang Amats naman ay si Luigi ang bida. Showing na sa October 3 ang pelikula.

 

Anak ni Valerie tanggap ng karelasyon

 

Naging emosyonal si Valerie Concepcion nang makausap namin sa presscon ng bago niyang serye sa GMA-7 na ‘Ika-5 Utos’. Napag-usapan kasi ang tungkol sa kanyang engagement at ang nalalapit niyang kasal pati na ang magiging bagong buhay nila ng kanyang anak na si Heather Fiona na ngayon ay 13, going on 14 years old na.

Naiyak siya nang mabanggit niya na sobrang happy siya na finally ay may tatayo na raw tatay sa kaisa-isa niyang anak.

“Siyempre, si Fiona, never pa niyang na-meet ang tatay niya, so minsan, ‘yung fiancée ko, parang mag-aano (magsasabi) siya na “O, bigyan mo ng pera ‘yung anak natin,” ganyan. O kaya, “o, nasundo mo na ba ‘yung anak natin?” ganyan.

“Alam mo ‘yung very ano siya, and he really offered also na babayaran niya ‘yung tuition ng anak ko. ‘Yung ganu’n.

“So, kahit hindi na-meet ng anak ko ‘yung totoong tatay niya, at least I found someone who will treat her as his own. So I’m very thankful for that,” nalu­luhang sabi ni Valerie.

“Love ako ni Lord! Thank you, Lord!” masaya pang sambit ng aktres.

Si Val ay engaged na sa kanyang non-showbiz fiancée na naka-base sa Guam, si Francis Sunga. Nag-propose ito sa kanya last July.

Hindi pa masabi ng aktres kung kailan ang kasal dahil nga tumanggap siya ng bagong serye sa GMA-7. So, ang napag-usapan daw nila ay baka raw pagkatapos na ng show pero wala pang definite date.

“Basta ang limit namin, hanggang Janua­ry 2020. ‘Yun na ‘yung pinaka-late. Pero wala pang definite date dahil magpapa-feng shui pa kami,” natatawa niyang sabi.

Sa ‘Ika-5 Utos’ ay gagampanan niya ang role ni Clarisse na isang ambisyosang asawa ng karakter ni Tonton Gutierez at may lihim na inggit naman kay Eloi­sa na ginagampanan ni Jean Garcia.

Magsisimula na sa Sept. 10 ang ‘Ika-5 Utos’ mula sa direksiyon ni Laurice Guillen sa GMA. Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Jake Vargas, Inah de Belen, Migo Adacer, Gelli de Belen, Jeric Gonzales, Neil Ryan Sese, Klea Pineda at Antonio Aquitania.