Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhian kumalas sa dyowa

0 193

NI: VINIA VIVAR

Inamin ni Rhian Ramos na may mabigat pala siyang pinagdaanan lately at ito ay ang break-up with his boyfriend.

Sa kanyang latest YouTube vlog titled “Breakups, Decisions and Your Assumptions,” bagama’t hindi na binanggit ni Rhian ang name ng BF, marami naman ang nakakaalam na ito ‘yung gwapong Israeli na nangangalang Amit Borsok and inamin na rin naman ito ng aktres last year pa.

“I went to a break-up and it was so hard. I had a really hard time, guys,” simula ni Rhian.

“And not just coz I was like brokenhearted and like shattered, but other things in my life were giving me a lot of stress,” dagdag niya.

Isa rin sa pinroblema niya ay ang paghananap ng condo unit na matitirhan niya once na nagbalik na siya sa trabaho. Aniya, ayaw niyang umuwi sa bahay nila sa Alabang kung saan naroon ang mommy niya since she can put her at risk.

“So, I was working so hard to be really quick about finding a condo unit so that my family is safe from me,” she said.

Aminado siyang sobra siyang nasaktan and under so much stress na napabayaan niya ang kanyang sarili.

SM food to go Banner Ad

“Looking back, I really could have taken better care of myself. I was in so much pain and under so much stress and I wasn’t getting out of my bed and I wasn’t sleeping right, I couldn’t eat, nothing tasted like anything.

“I was under so much stress that my body just basically started eating itself,” kwento niya.

Nag-take din daw siya ng break from social media at ayaw niya pa sanang bumalik pero may mga commitments daw siya na kailangang tuparin.

“And now, everyone thinks that I did this to myself on purpose. But I really didn’t. I was just having a really hard time.”

Alam naman daw niya na talagang malaki ang nabawas sa kanyang weight at aminado siyang hindi pa siya okay ngayon.

“Yes I’ve seen a mirror, yeah, I’ve lost a lot of weight and to those of you that have showed your concern, thanks so much, I appreciate it. I am gonna be okay in my own time. It’s just important that I process these things for myself now so that I don’t take them with me in the future,” saad ni Rhian.

Wala nang ibinigay na detalye pa ang aktres about the break-up at siniguro lang niya na she’s taking care of herself now.

“I’m doing Bible studies twice a week, I’ve been eating 3 meals a day and I’ve been sleeping consistently every night for at least 5 hours, 6 hours. I know it’s not perfect but it’s still a lot better than before, trust me,” pahayag pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.