Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhian ligtas na sa COVID

0 227

NI: VINIA VIVAR

Bumuti na ang kalagayan ni Rhian Ramos at ang kanyang road manager na si Rachel Ann Librado matapos magpositibo sa COVID-19. Ito ang inanunsyo ng Kapuso actress kahapon sa kanyang Instagram account kasama ang short video ng pinagdaanang pakikipaglaban sa nasabing nakamamatay na virus

“We’re out of the woods @rachlibrado 🤗🤍,” ang bungad ni Rhian sa kanyang IG post.

“The past few weeks have been harrowing at times, but I’m not really here to scare anyone, just sharing how grateful I am for life, health, love, and friendship. Thank you to everyone who sent us encouragement and help through this experience. It meant the world to us and I’ll always remember how much you’ve blessed us.. (you know who you are),” patuloy ng aktres.

Kasunod nito ay nagbigay siya ng payo sa mga taong nakikipaglaban din sa COVID-19.

“Can I just say though. The light at the end of the tunnel is wonderful. If you or someone you know is still going through the covid battle, stay motivated my friend. Keep your morale up. When you see your first negative result, you’ll be overcome with relief and that feeling you’ve been dreaming of, where for 5 minutes there’s finally no fear. God bless our countrymen and God bless our healthworkers 🙏🙌 Praying for you all out there. Stay safe,” ang mensahe ni Rhian.

Sa short clip ay sinabi ni Rhian na nagsimula daw sila sa fever, nagpa-test and found out na pareho silang positive ng road manager. Makikita na magkasama silang nag-quarantine at ginamot ang mga sarili.

Sa day 4-6 ay nagsimula na raw bumuti ang kanilang pakiramdam.

“Together, we focused on getting better and making each other laugh. Some days we’d feel better, some days we’d feel worse. But we stayed motivated and focused on our health and still found things to laugh about. Cause despite the scary days, at least we had each other,” kuwento ni Rhian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.