Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhian nagsisi na todo bigay

0 123

NI:VINIA VIVAR

Inamin ni Rhian Ramos na may pinagsisisihan siya sa kanyang buhay pag-ibig.

Tinanong kasi siya sa guesting niya sa Mars Pa More kung ano ang biggest regret niya sa love life at sagot ng Kapuso actress, “’yung binigay ko lahat.”

Pero ang mas nakakaaliw na tanong sa kanya ay kung ano raw ang initials ng artistang ayaw na niyang makatrabaho ulit. What she did ay ibinulong na lang niya host na si Camille Prats.

Then she said, “never again (na papayag siyang makatrabaho ang artista).”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi na siya pinilit pangalanan kung sino ito pero pinakwento sa kanya briefly kung bakit ayaw na niyang katrabaho ang artistang ito.

Ayon kay Rhian, nadadala raw kasi sa trabaho ng artistang ito ang problema sa personal life at naaapektuhan pati ang mga katrabaho.

“Hindi lang kasi hanggang work, parang naa-affect lahat like nadadala ‘yung personal life,” aniya.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Rhian sa GMA afternoon series na Artikulo 247 with Kris Bernal and Benjamin Alves.

Leave A Reply

Your email address will not be published.