Abante Tonite Interactive

Rhian, PALABAN kina Jaclyn, Nora at Vilma

36

ANG diva that you love, pati na si mareng Tsi­nita Doll, masaya sa 12 nominasyong tinanggap ng Saving Sally mula sa The Eddys.

Ang awards night ay sa Hulyo 9 sa Kia Theater ng Araneta Center, Cubao, QC.

Salingkit lamang kami bilang publicist ng pelikula. Sobrang shout for joy kami matapos mabasang may major no­minations ito — Best Picture, Best Director (Avid Llongoren), Best Actress (Rhian Ramos), Best Actor (Enzo Marcos), Best Story and Best Screenplay (Charlene Sawit Esguerra).

Ang reaksyon ni Enzo sa nomination, “Wow! Ang saya! Thanks for letting me know, Alwyn,” with matching smiley.

Si Charlene, “Woooow! Happy news! Thank you Alwyn,” with matching double hearts emoticon at “Avid Llongoren, o!”

Si Direk Avid, liked the nomination post.

Anim ang katunggali ni Rhian sa pagiging best actress – sina Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo), Jaclyn Jose (Ma’ Rosa), Vilma Santos (Everything About Her), Charo Santos (Ang Babaeng Humayo), Nora Aunor (Tuos) at Ai Ai de las Alas (Area).

At ano ang masasabi ko sa mga iba pang nominado sa The Eddys? Mga showbiz editors ang bumubuo rito kaya mananalig ako they should know better.

In due time, malalaman natin kung magi­ging most coveted honor ba ito, just like the Gawad URIAN.

O magiging pribelihiyo ba nila ang magsuplada, tulad ng Young ­Critics Circle.

O kung popular or po­werful vote ba ang nagreynang uri na kadalasang nangyayari sa Star Awards.