Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhian pumayat sa stress

0 143

NI: VINIA VIVAR

Itinanggi ni Rhian Ramos na may eating disorder siya kaya siya patuloy na nangangayayat.

“Of course not. In fact, kapag nakatingin ako sa salamin, alam ko, nakikita ko kung ano ‘yung hitsura ko,” pahayag ni Rhian sa kanyang panayam sa 24 Oras.

Marami na kasi ang nakakapunta na sobrang payat na ni Rhia ngayon pero ayon sa aktres ay hindi naman siya nagda-diet.

“It’s not like I’m trying to lose weight because I feel big, no. Kasi iniisip kasi ng tao na nag-diet ako or nag-cardio ako para pumayat nang ganito,” she said.

She revealed na dahil sa stress kaya siya pumapayat.

“Pero ‘yung totoo lang talaga, it’s out of stress,” natatawa niyang sabi.

Hindi na sinabi ng aktres kung saan siya nai-istress pero given the situation we are in now, with the pandemic at hindi magagandang nangyayari sa bansa, sino ba naman ang hindi mai-istress?

Leave A Reply

Your email address will not be published.