Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhian todo trip nang makaligtas sa COVID

0 417

NI: VINIA VIVAR

Matapos gumaling mula sa COVID-19, napatunayan ni Rhian Ramos kung gaano kahalaga ang buhay. Kaya naman labis niya talagang ipinagpapasalamat na naka-survive siya.

Sey nga niya sa isa sa kanyang mga post, ang dami raw niyang gustong gawin ngayon.

If there’s one thing I can be grateful for from having gone through this time, it’s that I’ll never take another sunset for granted, or the feel of wind on my face. Really grateful for the possibility and opportunity to live and feel alive.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I wanna free dive, bungee jump, climb mountains, and tell people I love them whether or not I hear it back. Just really really live, everyday,” saad ni Rhian.

Huling napanood si Rhian sa Love of My Life na natapos lang nitong Marso at wala pang balita kung kailan siya ulit magkakaroon ng bagong drama series.

Wish ni Rhian na magkaroon siya ulit ng hosting job dahil gustong-gusto rin niyang mag-host.

“Moving forward, I want to do more hosting kasi compared to before, I think I’m most confident and like, parang happy with myself now, so I think I would be more comfortable to really express and experience things with the audience,” sey ni Rhian in her recent interview.

Leave A Reply

Your email address will not be published.