Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rhona tinuloy ang hilig ng ama

0 139

Naging inspirasyon ni lady breeder Rhona R. Bullecer ang kanyang ama kaya hanggang ngayon ay dinadala ang iniwang pamana ng kanyang iniidolo.

Isa sa mga bloodline na ginamit ni Bullecer ang JJ Kelso na linyada ng kanyang tatay na patuloy pa rin niyang pinararami.

“May natitira pa kaming linyada ng father ko na JJ Kelso, na talaga namang nagpapanalo hanggang ngayon,” saad ng magandang sabungera sa Usapang Ruweda ng Abante Radyo Tabloidista nitong Linggo na mga napapanood sa ala-1:00 nang hapon hanggang alas-2:00 nang hapon sa Abante YouTube, Abante Facebook at Abante Online.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katunayan, nagsolo champion si Bullecer sa Digmaan nitong nakaraang taon at nagkampeon din sa LGBA (8 points).

Hinirang din siyang 2019 RGBA Breeder of the Year, na ang susi aniya sa kanyang tagumpay ay ang mga itinuro ng kanyang ama nang siya’y walong taong gulang pa lang.

Ikinuwento pa ni Bullecer na dinadala pa siya ng kanyang papa sa sabungan upang mapatahan lang kapag siya’y umiiyak.

Sa ngayon, kasama si Bullecer sa libo-libong breeder na nagtitiis at naghihintay sapagbabalik ng sabong sa panahon ng pendemiya. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.