Rica peke ang bag

NI: ARCHIE LIAO
Hindi ikinahihiya ni Rica Peralejo na fake bag ang kanyang ginagamit.
Ito ang laman ng OOTD sa kanyang Instagram account.
“On me: Francesca in utility grey from our #mumxrpbcollection_01, face shield natural, mask din, sandals from @uniqlophofficial and my fake __ bag,” aniya.
May hirit pa itong “Okay disclaimer, hindi ako mahilig sa branded.”
Sey pa ni Rica, tapos na raw siya sa panahong nagpapakabaliw sa branded bags.
“Binenta ko na actually yung mga branded bags ko kasi sa totoo lang hindi ko naman magamit. I would rather buy a tent with that money wahaha,” pagbubunyag niya.
Umani naman ng pang-ookray sa ilan ang kanyang “Tita vibes.”
Meron din namang pumuri sa kanyang pagpapakatotoo at pagiging praktikal lalo na sa panahon ng pandemya.
Si Rica ay kasal sa Christian pastor na si Joseph Bonifacio kung saan meron siyang dalawang anak.