Abante Tonite Interactive

Ricci, Danzel pumalag sa Ateneo bullying

1,457

Ni Glen P. Sibonga

Nagkomento sina Ricci Rivero at Danzel Fernandez, stars ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na ‘OTLUM’, kaugnay ng pinag-uusapan ngayong video ng bullying na naganap sa Ateneo de Manila University junior high school.

Nakausap namin ang dalawang baguhang aktor noong Disyembre 21 sa opisina ng actor-politician at ama ni Danzel na si Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez, na very proud sa kanyang anak at maging kay Ricci.

“Isang hindi kanais-nais na pangyayari. Siyempre ang school kasi sila ang dapat mag-handle nun, siyempre may investigation. Pero ang sa akin nga po e, ‘yun na nga nag-viral ‘yung video. Para doon sa na-bully, it’s a very traumatic experience para sa bata and hindi mo rin alam kung ano ‘yung gumagana sa isip niya after going through that situation.

“Yes, may pagkakamali rin ‘yung bata (bully), so dapat panagutan ng school at saka ng parents. Siguro coming from a psychological perspective, looking at it at face value siyempre masama ‘yung ginawa ng bata, pero hindi mo rin naman alam kung ano ‘yung pinagdadaanan ng bata kasi baka pwedeng way niya iyon para mapansin siya ng mga tao, kasi baka sa bahay hindi siya pinapansin. So, siguro dapat panagutan din ng school and siyempre may consequences din naman iyan,” pahayag ni Danzel.

Ayon naman kay Ricci, “For me, tama naman ‘yung sinabi ni Danzel. And sa tingin ko kailangan din ma-address ng parents ‘yung nangyari kasi sila ‘yung kasama sa house and dapat alam nila kung ano ba ‘yung… or kung hindi nila alam, dapat malaman nila kung ano ba ‘yung naging reason kung bakit niya (bully) nagagawa ‘yung ganung things.

“Like sabi nga sa Internet na even ‘yung older brother niya ganun din before. Pero ‘yun nga kasi dadalhin nu’ng na-bully ‘yun throughout his life e, so for me dapat ma-address talaga as early as possible kasi iba yung trauma na mapi-feel nga nung na-bully.

“And second, sana huwag niya (bully) gamitin ‘yung taekwondo sa pambu-bully. Siyempre itinuro iyon sa kanya kasi alam ng coaches na magagamit niya iyon na may discipline. For self-defense, yes, pero sana kung taekwondo lang, sa taekwondo lang.”

Never pa raw naka-experience ng pambu-bully sina Danzel at Ricci sa buhay nila o maging sa school.

Magandang pagkakataon naman para kina Danzel at Ricci na magkomento tungkol sa Ateneo bullying lalo na’t may kinalaman din sa ganitong pangyayari ang pelikula nila.

Kasama nga ito sa inihayag na dahilan ni Ricci kung bakit dapat panoorin ang OTLUM. “Kasi for me it’s not just a horror movie, sobrang matututo sila rito. The movie is all about revenge, acceptance, realizations. ‘Yun nga full of learnings din kasi like what happened nga doon sa kumakalat na video ng bullying medyo connected nga dito sa movie namin. So, I think mara­ming makaka-relate dito kasi yung bullying naman hindi lang naman siya sa Ateneo, I think all over the world merong bullying, so sana matutunan din nila how to handle things in a good way,” ani Ricci.

Produced by Horseshoe Studios and directed by Joven Tan, ang OTLUM ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko, December 25, bilang bahagi ng 2018 Metro Manila Film Festival.