Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricci keber sa mga baklang hayok

0 601

Sa mga baklang walang patumangga ang pagpaparamdam at pagpapadala ng mga indecent proposals sa basketball player, model at part time actor na si Ricci Rivero, kaawa-awa ang inyong pagiging hayok sa laman.

Juice colored! Hindi kailangan ni Ricci ang inyong if the price is right offering dahil ang binatang matipuno, hindi lamang best in good manners and right conduct, edukado at may breeding, mayaman ito. Hindi niya kailangang kumapit sa baklang may lawit rin na tulad niya para gumaan-gaan at umayos ang kanyang buhay.

Hindi siya masisilaw sa inyong mga hinahatag, Hindi matutukso si Rivero sa inyong mga alay. Sa mga nanalig na lahat ng hombre ay may presyong katapat baka never mangyari sa ilusyon niyong makulong sa bisig ni Ricci. Baka sa ibang lugar kayo makulong huh kung patuloy niyong ipipilit ang inyong makamundong pangangailangan.

Pasalamat nga kayo na polite ang basketball player. Hindi na kayo sinasagot pa at sa mga sadyang makukulit, block kete block na niya agad-agad.

Please lang, tantanan na si Ricci Rivero at kung pwede, kumilos kayo ayon sa inyong ganda. Marami namang tubo at karne sa merkado na for sale at atat na atat sa dagdag na budget. Doon na lang kayo. Mga baklang hayok sa kapirasong laman. Eeewww!

Janine naligaw ang landas

Madamdamin. Marubdob, Matapang. Kung susumahin at susuruin, iyang ang mga katagang masasambit matapos mapanood ang bersiyong Filipino ng The Great Dictator speech ni British actor-filmmaker na si Charlie Chaplin.

Ang talumpati na isinalin sa wikang Filipino ay si Rody Vera ang may gawa. Dinirehe ni Chuck Gutierrez at ang halos anim na minutong video in dramatic black and white, mapapanood ang ilang sa mga sikat nating mga artista, director, aktibista at leading personalities na lantaran ang pag-ayaw sa mainit-init pa at kapipirma lamang na anti-terror law.

Ang actor in sabbatical John Lloyd Cruz ang pangunahing artistang emote na emote na sinambit ang mga linyang, “Kinalulungkot ko, pero ayoko maging diktador. Hindi iyan ang gusto ko. Ayokong mamuno o manakop ng kahit sino.”

Ang millennial with a social conscience si Janine Gutierrez naman ang mga sinabing linya ay: “Ang buhay ay maaaring maging malaya at maganda, pero tayo’y naligaw ng landas.”

Kasama rin si Jasmine Curtis Smith sa video na ang drama ay : “Mga kababayan, sa ngalan ng demokrasya, magkaisa tayo!” na inulit muli with dramatic emphasis nina Iza Calzado at Agot Isidro at Glaiza de Castro.

Pero ang best lines, of course, delivered with aplomb and gravitas ay kay direk Joel Lamangan: “Mga kababayan! Huwag kayong bumigay sa mga hayop—mga taong namumuhi sa inyo—umaalipin sa inyo—hawak ang inyong leeg—nag-uutos sa inyo–kung anong dapat isipin at damhin!”

Ang iba pang kasali sa bidyo ay sina Lotlot de Leon, ang mag-asawang Carlos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza, Senator Risa Hontiveros at Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Randy David at Mae Paner na mas kilala bilang Juana Change. Siempre pa, pasok sa bidyo ang si Ms. Maria Ressa.

Sa true lang, kung malalagay sa alanganin ang mga artistang kasali dito dahil sa kanilang pagtuligsa sa bagong batas kontra terrismo, ating malalaman sa tamang panahon.

Ang tanong ngayon, magiging epektibo kaya ang bidyong ito at makamit ang adhikaing ang tao at ang buong bayan ay labanan ang batas na kapipirma lamang?

Related Posts

Sharon nagpatawad

Sa true lang, kapuri-puri at tunay na kahanga-hanga ang pagkilos ni Sharon Cuneta sa matandang reporter-director. She is not being a softie here, but she is doing what is right and just. Kumikilos lamang ang Megastar ayon sa kanyang ganda, talino at yaman,

Kaya ang matandang reporter-director, huwag na sanang magmaganda at magsulat ng mga bagay na walang katuturan at kapararakan sa kanyang FB account.

Ang sa akin kasi, kung magsusulat ka at hindi mo naman pala ito kayang panindigan at pangatawanan, then do not write your thoughts at all.

Well done Ms. Sharon Cuneta sa desisyon mong to be forgiving and gracious.

Papa P ginigisa pa rin

Hindi ba nakakababaliw ang katotohanan na kung kailan ang network where he belongs ay ginigisa sa Kongreso, si Papa P, sa hindi sinasadyang dahilan, naugnay siya sa SONA.

Kung ang kanyang mga kakampi ay magsasabing trabaho lang ito, walang personalan and let us just be professional about it, naway mabasa na lang ni Papa P ang tweet na ito para sa kanya ni the Professional Heckler: “Kami lumalaban, ikaw sumusuporta. Pagagamit ka pa sa pagpapakalat ng propaganda. Ang labo lang, ang labo mo Piolo Pascual.”

Para saan pa at naging bida ka sa “Dekada 70” at wala ka bang natutuhan sa mga pelikulang ginawa mo kay Lav Diaz ?

Importanteng magsalita at magpaliwanag si Papa P sa real score ng situwasyon dahil siya ang nakakatikim ngayon ng batikos ng madlang pipol.

GMA, TV 5 magpasikat muna

Dalawang networks na lang naman ang may kakayahang tumanggap ng mga artista, ang Kapuso sa Kamuning at palalakasing muling na-Singko sa Reliance.

Pero, bukas ba naman talaga ang pintuan ng mga nasabing network sa kahit na sinong artista mula sa Dos?

Sana bago sila tumanggap ng kahit sino man, mapasikat muna nila ang mga talent nila at mailapit man lang sa level ng kasikatan ng mga artista sa Dos, huh.

‘Yun lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.