Abante Tonite Interactive

Ricci nag-sorry kay Liza

0 145

tonite-this-is-it-roldan-castroKinuyog ang basketbolistang si Ricci Rivero sa social media dahil sa sagot niyang ‘depende sa schedule ko’ nang tanungin kung gustong makapareha si Liza Soberano. Pinaratangan siyang mayabang, feelingero.

Sa MAMA OGS SAYS… ay ibinahagi ng talent manager ni Liza na si Ogie Diaz ang update sa isyung ito. Mababasa ito sa kanyang Facebook ­account.

“Mama Ogs, eh nabanggit mo na rin lang si Liza Soberano, ano masasabi mo du’n sa sinabi ni Ricci Rivero na kung mag-fit ang sked niya, saka pa lang siya gagawa ng mo­vie with Liza?

“Wa echos, hindi ako nainis kay Ricci no’n o nayabangan sa kanya. Kaya ang sabi ko lang, iinom muna ako ng tatlong litro ng tubig. Actually, kahit si Liza, nu’ng kinwento ko ‘to sa kanya, nangiti na lang siya.

“To be fair to Ricci, nag-text siya sa akin and he said, ‘Tito Ogie, super sorry po for what happened. I didn’t mean to say that in a bad way, but I was just trying to say that I don’t wanna go between Enrique and Liza because I respect the loveteams in the industry and I even said that Liza will always be Liza – so that simply means that she is already established as Liza. And who am I to say no? But I know it’s probably the way I said that statement so I’m sorry for that po. I hope you understand and not only you, but especially Liza… I look up to Liza rin naman po and I think you know that. I asked for a picture pa nga po, di ba?’ Yes, when he saw Liza sa ‘Ms. Possibilities,’ nagpa-pic siya.”

Talbog!

Bagong opisyal ng PMPC

Inihalal ang mga bagong opisyal ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) ng 2019.

Ang PMPC ang nasa likod ng Star Awards for Movies, TV at Music.

President si ­Sandy Es Mariano; Vice President- Fernan De Guzman; Secretary-Mell Navarro; Asst. Secretary-Rodel Fernando; Treasurer- Boy Romero; Asst. Treasurer-Blessie Cirera; PROs, Leony Garcia at Timmy Basil; Auditor-Francis Simeon.

Board of Directors naman sina Mildred Bacud, Joe Barrameda, Eric Borromeo, Lourdes Fabian, Rommel Placente at ang inyong lingkod (Roldan Castro).

Rica pambato ng ‘Pinas sa 2019 Summer Int’l

Hawak ni Rica Jane Valde­vieso Sabanal ang titulong Turismo Filipina 2018 Summer International.

Magiging kinatawan siya ng Pilipinas sa Los Angeles para sa Summer Internatio­nal 2019.

Siya ay 19 years old. May sukat na 34-24-36 ½.

Nag-aaral siya sa University of Southern Minda­nao-Kabacan, North Cotabato ng Bachelor of Arts in English. Pangarap niya na maging lawyer.

Crush niya si Daniel Padilla at idol niya si Sarah Geronimo.