Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricci tumalak sa Tiktoker: Mas sexy gf ko sa‘yo

0 63

NI: BETH GELENA

HALOS mag-iisang buwan pa lang sina Ricci Rivero-Andrea Brillantes pero marami na ang may gustong paghiwalayon ang dalawa.

Kamakailan, may isang TikToker na nakabini, pero nakatalikod sa kamera.

Ani ng TikToker ay ni-like umano.ng boyfriend ni Andrea ang kanyang larawan.

Kumalat sa social media ang bikini photo ng TikToker na pinusuan umano ni Ricci.

Umabot ng 2.9 million views ang TikTok video ng di kilalang babae.

Pero sinopla ni Ricci ang TikToker.

Sa IG story ng UP Matoons cager, kahapon, May 4, binigyang-linaw niya ang isyu.

Ini-screenshot niya ang sinasabing pag-heart sa bikini photo saka naglagay ng caption.

Paliwanag niya, “Lol 1st of all i would never do that 2nd it’s clearly edited 3rd mas sexy gf ko kesa sayo,” prangkang sabi ng cager-newbie actor.

Sa ngayon, wala pang reaksyon ang girlfriend ni Ricci na si Andrea hinggil sa kinasasangkutang isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.